Unique Salonga
Updated: Aug 17

Gusto ko lang kayong i-congratulate lahat dahil nananatili pa rin kayong malakas kahit pa na maraming pagsubok last year. Happy ako sa mga achievements ng bawat isa at sana, ipagpatuloy lang natin ‘to.
Kung nakakaramdam ka ng kapaguran minsan, maglaan ka ng oras para magpahinga. I-prioritize natin ang paghahanap ng kapayapaan sa buhay natin para kapag sumabak na ulit, hindi na tayo gaano mabubulabog ng matinding stress.

Ilaan mo ang energy mo sa mga bagay na importante lang. Huwag kang magpapatinag sa mga hindi naniniwala sa ‘yo dahil hindi sulit kung magbibigay lang tayo ng oras para sa kanila. Mas maigi kung mag-focus na lang sa mga bagay na kontrolado natin.
"Ilaan mo ang energy mo sa mga bagay na importante lang."
At siyempre, yakapin mo ‘yung mga bawat pangyayari sa journey mo. Sa kabila ng pagbubuhos mo ng luha at pawis, may kapalit na ginhawa ‘yan. Lahat ng pinaghihirapan mo ngayon ay magbubunga rin.

Photography: Jerick Sanchez
Styling: Myrrh Lao To
Hair & Make Up: Trixia Galura