top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

  • Writer's pictureSitti

Sitti

Updated: Aug 17, 2023



Magandang araw, kaibigan.

Kamusta ka sa magulo at maingay na mundong ito? Sana nakahanap ka ng pagkakataong pakinggan din ang sarili mo... aminado ako, maski ako naaanod ng ingay at gulo. Nadadala sa bawat araw ng mga kailangang gawin. Pakiramdam ko tuloy minsan, hindi ako nabubuhay kahit may buhay ako. Gets mo ibig ko sabihin?

Kaya okay ‘tong pinagawa sa akin ng The New Hue. Kasi napatigil ako sa mga gawaing nanay, sa daloy ng buhay, at napag-isip. Nagpumilit pakinggan ang sarili, naghanap ng katahimikan, tinalikuran muna ang ingay at gulo.

Hangad ko rin ito para sayo. Na makahanap ka ng “pockets of peace”, ika nga. Na makuha mong ngumiti bago matulog, na matagumpay mong magampanan ang mga hinihingi ng iyong kasalukuyan. Ang maging masaya ka sa iyong sarili, ano man ang tinatamasa mo ngayon. Ang maging kuntento sa kung ano ang meron ka, pero may lakas ng loob pa rin na humiling sa Maykapal na dinggin ang iyong mga pangarap. Na pagpalain Niya iyong trabaho, protektahan ang iyong pamilya.


Hangad ko rin na lumalim ka sa relasyon mo sa Kanya.

Salamat at nariyan ka. Salamat sa patuloy na pagtangkilik at pakikinig sa musika. Sana, pag nagkita tayo, maawitan kita. Ipaalala mo sa akin mga sinulat ko dito ha? Baka kasi sa panahon na yun, nagpapadaloy na naman ako.

Ingat ka palagi, kaibigan. Pagpalain ka ng Panginoon.


Hanggang sa muli,



1 comentario


What awonderful message Sitti,I like that and hoping din na someday who knows we met and sing to me your wonderful music to listen and hear your wonderful your voice and yeah thats all i want to met you and cherish and congrats you.Cause your famous now Sitti.

Me gusta
bottom of page