top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

Sachzna Laparan

Updated: Aug 17, 2023


Ano ba talaga?


Kanina gusto mo mag artista, ngayon gusto mo naman kumanta. Ano ba talaga?


Kanina, gusto mo lang mag saya, ngayon gusto mo ikaw na may ari ng isang gimikan? Ano ba talaga?


 
"Isa isa lang, dahil may oras pa para pag isipan."
 

Kanina, gusto mo lang ingatan ang iyong kutis ngayon ikaw na may ari na ng isang kumpanyang puro pagpapapaganda. Ano ba talaga?


Kanina, gusto mo lang mag post ng iyong mga larawan, ngayon isa ka ng social media influencer? Ano ba talaga?



Kanina, ika’y masaya. Bakit ngayon malungkot na? Ano ba talaga?


Kanina, maayos kayo. Bakit nag kakaalitan na naman. Ano ba talaga?


Kanina gusto mo sya kasama, ngayon gusto mo na mag isa. Ano ba talaga?


Kanina, hindi mo alam. Ngayon nalalaman mo na. Ano ba talaga.



Kasi..


Isa isa lang. Hindi kaya ng katawang tao natin ang lahat ng gugustuhin natin.


Isa isa lang, baka tayo’y madapa. At mahirapan tayo na makabangon.


Isa isa lang, dahil may oras pa para pag isipan.


Hinga.


Isa isa lang, dahil isa ka lang..


Ano ba talaga? Hinga. Kailangan mo ng pahinga.








Commentaires


bottom of page