top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

Writer's pictureNadine Lustre

Nadine Lustre

Updated: Aug 17, 2023


Sa mata ng nakararami, isang artista. Sa mga kakilala, isang kaibigan. Sa kanyang pamilya, isang kapatid at anak.

Kapag tumingin sa salamin... isang palaisipan.

Nasaan na nga ba tayo? Anong petsa na? Minsan uusad tayo, minsan aatras. Sa dami-rami ng kaganapan, hindi na alam kung ano ang mararamdaman.

Sa mga oras na akala natin ayos na tayo, hindi pa pala. Ang ihip ng hangin laging nag-iiba-iba.

 
"Hinga. ‘Pag nararamdaman mo na masyado nang maingay. At sa paghingang ito ay bitawan mo ang pagkatakot mo sa oras."
 

Madilim ang daan. Tila nakapiring ang ating mga mata habang naglalakad, hinahayaan na lang ang mga paa. Hindi alam kung saan patungo. Hindi alam kung saan hahantong. Hindi ko na alam kung ano’ng gagawin. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.

Saan nga ba ako papunta?

Bakit ko ba ‘to ginagawa?

Sino ka nga ba? Sino ako? Sino tayo?

Sa dami ng mga tanong ko, paulit-ulit kong inisip ang mga sagot... Hindi ito dumating noong sobrang iniisip ko ito. Dumayo sa akin ang sagot noong hindi ko ito iniisip. Nakakatawa talaga. Yung mga hinahanap mo, hindi mo talaga mahahanap kung hahanapin mo. ‘Wag mong hanapin, makikita mo ito.


Hinga. ‘Pag nararamdaman mo na masyado nang maingay. At sa paghingang ito ay bitawan mo ang pagkatakot mo sa oras. Ang takot na pakiramdam mo ay mauubusan ka na. Wala namang humahabol sa ‘yo. ‘Wag mo rin pilitin ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Maniwala ka na kung para sa ‘yo—at kung oras mo—mangyayari ang mga kagustuhan mo.


Hinga. Kahit hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang layunin mo sa mundong ginagalawan. Hindi nakabababa ng pagkatao ‘yan. Malalaman mo rin ang sagot sa takdang oras.

Hinga. Kung ang alon ay masyadong malakas at mahirap hulaan, ‘wag sabayan. Kumalma at subukan mong sayawan ito.

Hinga. Maging mabait sa iyong mga nakakasalamuha, maging tao man, hayop o kalikasan. Dahil ang pagtrato mo sa mga ito ay ang pagtrato mo sa sarili mo.


Hinga. Maging mabait sa iyong sarili. Sa dami ng iyong karanasan ay alam mo nang walang ibang kakampi sa ‘yo at walang makikiramay sa pinakamasakit na pagluha kundi ang sarili mo. Ibigay mo ‘yan sa kanya dahil kahit minsan, hindi ka niya tinalikuran.


Sana tandaan mo ang mga bilin ko. At kung sakali man na makalimutan mo... humarap ka lang sa salamin para maalala mo.







Photo: Trish Shishikura

Styling: Lyn Alumno

Hair: Paul Nebres

Make up: Jelly Eugenio

9 Comments


daayataspf
May 20, 2022

Can she make this into a song? This is so timely! Hinga. We need this. Thank you ❤️

Like

Flor Mangaspar
Flor Mangaspar
May 18, 2022

A very timely advise we all need, thank you!

Like

Marco Retsuko
Marco Retsuko
May 18, 2022

Sobrang napapanahon ang sinulat ni Nadine. Maraming Salamat Mhei!😳😍

Like

jennifer ishizaki
jennifer ishizaki
May 18, 2022

i love her! Hinga!!!

Like

inav hiponia
inav hiponia
May 18, 2022

She's an icon and she's my President, #NadineLustre

Like
bottom of page