top of page

HUESPAPER BY THE NEW HUE

Manila, Philippines

Ebe Dancel

Updated: Aug 17, 2023



Matagal ko na kayong hindi nakikita. Matagal na nung huling beses akong tumugtog para sa inyong lahat. Kung nalulungkot at naiinip kayo, kami rin. Nagaabang, nananabik, nagbibilang pa rin ng mga araw kahit na mahirap. Sa 22 na taon kong ginagawa ito, halos umikot ang mundo ko sa entablado. Ibang iba na ang buhay ngayon, ngunit di ako nawawalan ng pag-asa.


Siguro, kaya mas determinado akong magsulat ng mga bagong kanta na nilalabas ko sa streaming services. Para konektado pa rin ako sa inyo, para bahagi pa rin ako ng mundo. Darating ang araw na magsasama-sama ulit tayo. Mag ingat kayo palagi.

 

"Sa 22 na taon kong ginagawa ito, halos umikot ang mundo ko sa entablado. Ibang iba na ang buhay ngayon, ngunit di ako nawawalan ng pag-asa."

 

At pakiusap --- kilalanin ang ating mga kandidato at pag-isipang mabuti kung sinu-sino ang gagabay sa atin sa susunod na mga taon.


I miss you all.



コメント


bottom of page